Home » Post Item » Kamusta ang Sikat ang Pinoy?
Kamusta ang Sikat ang Pinoy?
January 6, 2010Noong nakaraan linggo masaya ako dahil ang entry namin sa palarong seo contest na Sikat ang Pinoy ay nasa ikalawang pahina ng Google search engine. Kaso ngayong taong eto biglang nagbago ang mga ranking sa datacenter na ginagamit sa contest. Ilang minuto nga lang nagbabago na agad. Minsan ang ibang entry ay nasa ibang pahina tapos bigla na lang pupunta sa itaas o kung minsan bababa naman. Mahirap sa ngayon maintindihan kung paano gumagana o binabasa ng google ang mga website. Ang aming entry na satsatan.com nga ay nasa ikatlong pahina ngayon. Iwan ko ba kung mahahatak ko pa paitaas pero mayroon pa namang panahon para makabawi.
Ngayon hinihintay na lang namin na dumating ang isang araw na sana nasa unang pahina na kami google serp. Sana pagbigyan na kami ni Bro! hehehe… Good luck na lang sa mga sumasali sa contest na Sikat ang Pinoy.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


