Well after nga ng Farmville Mania at may bago na namang pinagkakaabalahan ang mga kalolz dito. Walang iba kundi ang PLANTS VS ZOMBIES. Ano ba eto at tila lahat na lang ng mga tao, bata man o matanda ay naaadik narin dito? Pati dota iniiwanan, ang farm nila ay nalalanta na at napapabayaan, mga girlfriend at boy friend nila di na sinisipot o minsan ay late dahil na wiwili sa paglalaro ng Plantz vs Zombies. Haissss. ewan ko ba.. pero aaminin ko ganito rin ako eh.. heheh ADIK sa Plants vs Zombies.
Sa mga di alam kong ano ang Plantz vs Zombies, eto ay isa sa nga larong maiihalintulad sa Chess dahil isa itong strategy game kung saan dapat wasto ang paggamit mo ng mga resources at di masayang. Ang isang manlalaro ay nag-iipon ng mga suns para pambili ng mga tanin na makakatulong sa pagproteka sa bahay na di pumasok ang mga ZOMBIES and they will EAT YOUR BRAINS!!! Magiging kalaban mo dito ang mga Zombies at isa na dito kung bakit nakakaaliw ang ang ZOMBIE na si MJ at dala pa ang mga back up dancers nya. Bonga talaga pero di naman patatalo ang mga PEA SHOOTERS natin para mapatay at mapigilan ang mga paglusob ng mga ZOMBIES.
Ano pa ang hinihintay ninyo? Try nyo na at maglaro na ng Plants vs Zombies at wag hayaang makain ang BRAIN mo ka lolz.
[ DOWNLOAD PLANTS VS ZOMBIES ]
Related Links:
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.