Home » Archives » October 2009
Money Pacquiao
October 12, 2009Nagulat ako ng biglang akong naghanap ng mga relevant sites about kay Manny Pacquiao. Si Manny talaga ay isang sikat na boksingero sa ating bansa at sa buong mundo. Sikat sya dahil sa malakas na suntok at sa maikling oras ay napapatumba niya ang kanyang kalaban. Pati ang kanyang mama ay nasa showbiz narin. Si Aling Dionisia ay sikat narin at mabenta sa mga TV Ads ngayon. Parang pinaPacquiao ng Family Pacquiao ang mga careers ngayon.
Naka post narin ako dito dati nga mga pictures ni pacquiao sa ibat ibang larangan. Ewan ko ba kung nakakatawa yun na nakatitle “Untitled Draft“. Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa ulo ko at yun ang naging title ko. Pero eto naman ngayon tunghayan niyo. Si Manny Pacquiao sa Money. Ang tanong, Fake Money or True Money eto.

Ang problema ay parang di naman ngayon available ang perang eto. Wala na akong nakikitang 5 Peso Bill na pwedeng pamalit at pambayad sa mga tindahan. Pero siguro ang perang eto ay pwedeng ibayad sa ticket na bibilhin mo para sa mga away ni Money Pacquiao est Manny Pacquiao pala.


